100 pamilya nasunugan sa Tondo

MANILA, Philippines - Higit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog kagabi.

Nilamon ng apoy ang 114 kabahayan sa panulukan ng Almeda at Yuseco sa Barangay 223 Zone 21, Tondo.

Base sa inisyal ba imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Grace Ferree dahil sa nag overload na electricfan bandang alas-6 ng gabi.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog bago naideklarang fire out ng mga bumbero bandang alas-8 ng gabi.

Wala namang nasawi o nasugatan sa insidente.

Show comments