Ika-14 pugante sa Cubao police station balik-selda

MANILA, Philippines - Balik kulungan na ang ika-14 sa 16 na pumugang preso sa Cubao Police Station matapos maaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa Dasmariñas, Cavite.

Sa ulat ni Senior Insp. Maricar Taqueban, hepe ng public information office ng QCPD, ang suspek ay nakilalang si CJ Nuque, 19, may kasong robbery at residente ng San Juan City.

Nadakip si Nuque ng tropa ng Cubao Police Station sa nasa­bing lugar alas 3:30 ng Sabado ng madaling-araw.

Dalawa pang preso ang patuloy na tinutugis ng QCPD matapos na pumuga sa Cubao Police Station noong bisperas ng Bagong Taon sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal sa kisame nito.

 

Show comments