Pacquiao judge ng Miss Universe 2015

MANILA, Philippines — Hindi na lamang pang sports, politika, at showbiz si Filipino boxing icon Manny Pacquiao matapos siyang mapili bilang isa sa mga hurado ng Miss Universe 2015 Pageant sa Florida, USA.

Kinumpirma ng Miss Universe na kabilang si Pacquiao sa mga judge ng pageant na gagawin sa Doral, Florida sa Enero 25.

"Terrific news! Some of the celebrity judges for the 63rd Annual ??Miss Universe? Pageant were announced today!" nakasaad sa kanilang Facebook page.

 

 

 

Makakasama ni Pacquiao ang television host at shoe designer na si Kristine Cavalleri, dating People Spain's "Sexiest Man Alive" at actor Willy Levy, reality show star Lisa Vanderpump at fashion journalist Louise Roe.

Nitong nakaraang buwan pa kumalat ang balita na inanyayahan si Pacquiao upang magong hurado ng Miss Universe.

Show comments