Ex-con tinodas sa harap ng bahay

MANILA, Philippines – Patay ang isang  ex-convict  matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay papasok na sa kanilang bahay sa Malabon City kahapon ng hapon.

Dead-on-the-spot si Ronnel Alfante, 42, may-asawa ng Block 2, Kadima St., Letre, Bgy.  Tonsuya ng nasabing lungsod matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa batok.

Base sa pinagsamang imbestigasyon nina P03 Alexander Dela Cruz at P01 Jun Delgado, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng hapon habang papasok na  ng kanyang bahay ang biktima nang sundan ito ng suspek at walang sabi-sabing pinutukan. Mabilis namang tumakas ng  suspek.

Ayon kay P03 Dela Cruz, nakulong sa loob ng walong taon mula 2003 ang nasawi dahil sa umano’y mga kinasangkutan nitong kasong droga, illegal na kuryente at iba pa. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy  ang motibo nang pamamaril.

 

Show comments