Sekyu huli sa pagpapaputok ng baril sa Makati

MANILA, Philippines - Arestado ang isang security guard matapos magpaputok ng service revolver habang naka-duty sa araw ng Bagong Taon.

Kinilala ng Makati Police criminal investigation section ang 38-anyos na sekyu na si Michael Sobrepeña.

Ayon sa imbestigasyon, naka-duty si Sobrepeña sa Valero Plaza building sa Salcedo Village nang makita ng testigong si Peter Timbol ang suspek na nagpapaputok ng baril sa fire exit ng gusali.

Kaagad isinumbong ni Timbol si Sobrepeña sa isang pang security guard.

Itinaggi ni Sobrepeña ang pagpapaputok ng baril, ngunit dinala pa rin siya sa Makati police.

Nahaharap sa kasong alarm and scandal at indiscriminate firing si Sobrepeña.

Show comments