5 patay sa sunog sa Las Piñas

File photo.

MANILA, Philippines – Limang magkakamag-anak ang hindi na umabot sa bagong taon matapos masawi sa sunog sa Las Piñas City ngayong Miyerkules .

Ayon sa ulat ng dzMM, nakilala ang mga biktimang sina Anita, Dulce, Allick Bon, Aaron Archer at Duncan Bryan.

Bandang 12:45 kaninang madaling araw nagsimula ang sunog sa Ermin Village.

Dalawa pang kamag-anak ng mga biktima ang sugatan na sina Bonifacio Tianzon Jr. at Ace Bon Tianzon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na tinupok din ang P300,000 halaga ng mga ari-arian.
 

Show comments