MANILA, Philippines – Problema ang sumalubong ngayong Pasko sa 11 may-ari ng sasakyan na nadamay sa karambola sa MIA Road sa lungsod ng Parañaque ngayong Huwebes ng umaga.
Ayon sa mga ulat, isang minibus na nawalan ng preno ang sanhi ng karambola na ikinasugat ng pitong katao.
Ilan sa mga sasakyan na nadamay sa karambola ay dalawang kotse, dalawang sport-utility vehicles, van, at motorsiklo.
Tinutugis ngayon ang driver ng minibus na kaagad tumakbo palayo sa insidente,
Nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko ang karambola.