Karambola ng 3 sasakyan: 10 sugatan

MANILA, Philippines – Sampu katao ang na­sugatan nang magka­rambola ang tatlong sasakyan sa EDSA, Muñoz, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Bunga nito, agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatang pasahero na nagtamo ng sugat sa kanilang katawan.

Ayon kay Traffic Aide Jessiline Quiambao ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1 may u-turn slot  sa EDSA sa  Brgy. Ramon Magsaysay, Muñoz, sa lungsod.

Sinasabing habang  tinatahak ng Elf truck (RLT-201) ang kahabaan ng EDSA galing­ Balintawak nang sal­pukin nito ang isang SUV Toyota Fortuner (UIE-291) at isang pampasaherong jeep. Dahil sa lakas ng pagkaka­salpok nasugatan ang mga pasahero ng pam­pasaherong jeep.

Iniimbestigahan pa ng mga tauhan ng traffic investigator ang sanhi ng aksidente.

Show comments