Indian trader bulagta sa 2 armado

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang biktimang si Amandeep Singh, 30, ng Solitaria Extension Pasay City sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibat bahagi ng katawan.

Lumalabas sa report na natanggap ni Supt. Alex Fulgar, Officer-In-Charge (OIC), ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-7:20 ng gabi sa kahabaan ng Solitaria Extension, Zone 14, Barangay 100 ng naturang lungsod.

Nabatid, na kasama ng biktima ang kanyang misis na si Rajwinder Kaur, 26 at ang  2-taong gulang nilang anak na lalaki, sakay ng Honda Wave  Motorcycle galing sa cremation ng kapatid ng una.

Pagdating nila ng kanilang tinitirhan, bumaba ang misis­ ng biktima hawak ang kanilang anak habang ipinarada naman ni Amandeep Singh ang kanyang motorsiklo.

Ilang saglit lamang ay nakarinig na ng sunud-sunod na putok ng baril ang misis ng biktima.

Kaagad na pinuntahan ni Rajwinder Kaur ang pinagmulan ng putok at dito tumambad sa kanya ang wala nang buhay at duguang asawa.

Ayon sa ilang saksi, da­la­wang kalalakihan na naka-mo­­tor­siklo ang biglang sumul­pot at walang salitang pi­nag­ba­baril ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang kaso.

 

Show comments