Kelot utas sa bugbog

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang pagtulungang pagbugbugin ng dalawang lalaki dahil sa dating alitan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Wilbert Ap-Apid, 35, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Manila.

Arestado naman ang isa sa mga salarin na si Alberto Polaguit, 38, cons­truction worker ng Brgy. Batasan Hills sa lungsod. Habang pinag­hahanap naman ang isang kasama nito na mabilis na nakatakas.

Nangyari ang insi­dente sa may kahabaan ng Presidential St., Sitio 1, Kaliwa Brgy. Batasan Hills, ganap na alas- 5 ng umaga.

Ayon sa dalawang brgy. tanod na sina Anastacio Rey Jr. at Christopher Yabut nagpa­patrulya sila sa nasabing lugar nang makita nila ang dalawang suspect na pinagtutulungang bugbugin ang biktima. Agad na sinaklolohan ng mga tanod ang biktima at ina­resto si Polaguit habang nakatakas naman ang kasama nito.

Hindi naman umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima. Sabi ng barangay, dati ng may alitan ang biktima at mga suspect dahil nanakit din anya ang una noong nabubuhay pa ito kahit na dayo at kabilang sa nasaktan niya ay ang mga suspect at ma­aaring gumanti lamang ang mga ito.

Show comments