Suspek sa panghoholdap sa staff ni Sen. JV, arestado

MANILA, Philippines – Nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang pa­ngunahing suspek sa panghoholdap at pa­ma­maril na nagresulta sa pagkasugat sa staff ni Senator Joseph Victor Ejercito noong nakaraang linggo.

Ayon kay MPD Di­rector Senior Supt. Rolando Nana, naaresto sa follow up operation ng MPD-Station 5, bandang alas-2 ng hapon si Emil Joseph Dianela, 22, sa kanyang pinagtataguan sa Pedro Gil St., Paco, Maynila.

Si Dianela na itinutu­rong nangholdap, bumaril at nakasugat sa biktimang si Kathlyn Mary Ann Tan noong Disyembre 3 sa Quirino Avenue, Benitez St. sa Malate ay iprinisinta rin kahapon sa tanggapan ni Senator JV Ejercito.

Personal naman na itinuro ng dalawang staff na biktima ang suspect na halos umi­iyak pa sa pagtanggi sa krimen.

Inihayag pa ng suspect na nagtitinda lamang siya ng siga­rilyo sa Paco, Maynila noong oras na sinasabing naganap ang krimen.

Show comments