MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority ( MMDA) ngayong Lunes ang number coding scheme para sa paghahanda sa pagtama ng bagyong “Ruby” sa Metro Manila.
Inabisuhan ni MMDA Francis Tolentino ang publiko na manatili na lamang sa loob ng kani-kanilang mga bahay dahil sa banta ng bagyo.
Nakataas ang signal no. 2 sa Metro Manila at mga karatig na lugar.
BASAHIN: 'Ruby' lalapit sa Metro Manila mamayang gabi
"We will be suspending the number coding tomorrow pero hindi naman natin ini-encourage ang ating mga kababayan na magggala dahil walang pasok," pahayag ni Tolentino.
Sinabi pa ni Tolentino na nakikipatulungan sila sa Armed Forces of the Philippines para sa inaasahang pagbaha sa Metro Manila.
Mula kahapon ay naglagay na ng mga sandbag ang MMDA sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.