Lalaki nag-ala-‘Superman’ tumalon sa tulay, todas

Ang hindi pa nakikilalang lalaki na  nalasog ma­karaang tumalon buhat sa MacArthur bridge sa Maynila, kahapon. (Kuha ni Bernardo Batuigas)

MANILA, Philippines – Mistulang nag-ala Superman ang  isang hindi pa nakikilalang lalaki nang tumalon sa South bound lane ng Mc Arthur Bridge, kahapon ng madaling-araw sa  Intramuros, Maynila.

Lasog ang katawan ng biktimang inilarawan sa edad 30 hanggang 35-anyos, may taas na 5’2’’; nakasuot ng stripe na t-shirt, jersy short na asul at walang sapin sa paa.

Batay sa ulat ni Det. Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, alas -3 ng madaling araw nang makarinig ng malakas na kalabog ang isang empleyado ng Manila City Hall sa ibaba ng McArthur Bridge malapit sa dating Metropolitan Lawton, Intramuros, Maynila na pagkatapos ay doon na nakita ang nakahandusay na biktima.

Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya.

Show comments