MANILA, Philippines – Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isa sa miyembro ng mga militanteng inaresto dahil sa panggugulo sa harap ng bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times St.sa lungsod Quezon.?
Base sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, kasong illegal assemblies, direct assault upon an agent of a person in authority, serious physical injuries at vandalism ang kinakaharap ni Antonio Flores, 65, alyas Ka Tonying, magsasaka, secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at residente sa Brgy. Project 6 sa lungsod.?
Kasama din sa kaso ang dalawang pastor ng isang simbahan at ilan pang mga John does na nakasama sa nasabing iligal na rally.?
Sa ulat ni PO2 Marlon dela Vega, nag-ugat ang kaso nang sumugod ang may 300 militanteng grupo sa may tirahan ng Pangulo sa 25 Times ?Street, malapit sa West Fourth St. Brgy. West Triangle, alas 9:20 ng umaga.?
Dito ay iligal umanong nagsagawa ng rally at vandalismo ang mga militante sa lugar. At hindi pa nakuntento ay pinagbabato pa nila ang mga pulis na rumisponde sa lugar sa pangunguna ni Supt. Pedro Sanchez hepe ng Police Station 2 na nagtamo ng injuries sa katawan.?
Sa puntong ito, isinagawa ng kapulisan ang agarang dispersyon sa mga militante na patuloy umanong naghahagis ng bato hanggang sa maaresto ang kanilang lider na si Flores. Nakatakas naman ang dalawang nabanggit na akusado.