Thai national nag-dive mula 15th floor ng gusali, lasog

MANILA, Philippines - Lasog ang isang turistang Thai national matapos tumalon buhat sa roof deck o sa ika-15 palapag ng isang  gusali sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Kirk Priebjrivat, 37, ng bansang Thailand.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Noel Pardinas, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente alas-6:10 ng gabi sa roof deck ng Bankmer­ Building sa Ayala Avenue, Brgy. San Lorenzo Village ng naturang lungsod.

Mula sa roof deck ay tumalon umano ang naturang dayuhan  hanggang sa luma­gapak sa may bangketa na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Sa ngayon ay nakalagak ang bangkay ng biktima sa Veronical Funeral Homes at isasailalim ito sa autopsy.

 

Show comments