Naaagnas na bangkay natagpuan sa Makati

MANILA, Philippines – Isang naaagnas na bangkay ang natagpuan ng basurero sa lungsod ng Makati kaninang umaga.

Ayon sa mga awtoridad, nakapaloob ang bangkay sa isang maleta nang matagpuan ng basurero sa panulukan ng Jacobo at Firmena sa Barangay Poblacion bandang alas-6 ng umaga.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng bangkay.

Base sa pangunang imbestigasyon, isang taxi ang tumigil sa tapat ng pinag-iwanan ng bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang malaman kung sino ang nasa likod ng krimen.

Show comments