Ginang sugatan sa holdap

MANILA, Philippines – Isang 42-anyos na ginang ang sugatan makaraang pagbabarilin ng isa sa mga holdaper na tumangay ng kanyang wallet sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

KInilala ni SPO1 Harry Budomo, ang biktimang si Rosky Martinez, ng GSIS Village, Brgy. Sangandaan. Ang ginang  ay ginagamot ngayon sa Quezon City Ge­neral Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa mukha at dibdib.

Binanggit ng pulisya, mabilis namang tumakas ang mga suspect lulan ng motorsiklo.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Grants St., malapit sa panulukan ng GSIS Village, Brgy. Sangandaan, ganap na alas-6 ng umaga.

Naglalakad ang biktima papauwi nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspect at agad na pinaputukan ang ginang sa mukha at dibdib.

Nang makitang duguang bumagsak ay kinuha ng suspect ang wallet nito  saka sumakay sa kasamahang nasa motorsiklo at sumibat palayo sa lugar.

Show comments