Lalaki arestado sa pag-akyat sa landing gear ng eroplano

MANILA, Philippines — Tiklo ang isang lalaki ngayong Biyernes matapos pumasok sa ramp area ng Ninoy Aquino International Airport bago inakyat ang landing gear ng paalis na eroplano.

Kaagad inaresto ng mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang hindi pa nakikilalang lalaki na nanakbo sa runway ng terminal 1.

"He is now undergoing interrogation," pahayag ng mga awtoridad.

Dagdag nila na nahihirapan silang makuhaan ng sagot ang lalaki.

"Questioning is still in progress," wika ng MIAA.

Show comments