Operators ng nagbanggaang school service, ipatatawag ng LTFRB

MANILA, Philippines - Pinadalhan na ng subpoena ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  ang operators ng school service na nag­salpukan sa Barangay Lourdes sa Quezon City.

Nais ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ipaliwanag ng mga operator ng school service ng Malayan High School of Science Pandacan  Manila (TXF 527) at operator ng school service ng Xavier School (TWT 945) kung bakit hindi ma­aaring parusahan kaugnay ng naganap na aksidente kung saan siyam katao ang sugatan kabilang na ang mga mag aaral ng naturang mga paaralan.

Anya, isasailalim  sa road worthiness test ang school service ng naturang mga ope­rator at sasailalim naman sa drug test ang driver ng dalawang sasakyang sangkot sa aksidente na sina Jerrilito Papa at Razmur Padios.

Kaugnay nito, sinabi ni Ginez na sa pagpasok ng 2015 ay hindi na papayagan ng LTFRB­ na makapasada ang mga school service na may 15 taon na upang maprotektahan ang mga mananakay nito laluna ang mga mag-aaral.

Hihigpitan na rin ang pagkakaloob ng prangkisa sa mga school service vehicles upang matiyak na road worthy sa lahat ng mga ganitong uri ng sasakyan.

 

Show comments