Lalaki kulong sa Cytotec

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki  matapos na mahulihan ng Cytotec kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni  P/ Insp. Rommel Anicete, hepe ng  Plaza Miranda PCP-Central Market  Police Station ang suspek na si  Ricardo Dela Cruz, 36 at residente ng  no 359 San Diego St. Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Anicete,  nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhang sina  PO3 Felimon Protacio, PO2 Regin Obina at PO1 Reynaldo Fortaliza  sa panulukan ng  Quezon  Blvd. at  Paterno nang sitahin si  Dela Cruz dahil sa kawalan ng plaka ng kanyang motorsiklo.

Kasunod nito ay, kinapkapan ni Obina si Dela Cruz kung saan nakuha dito ang  56 na Cytotec na isang abortive pills.

Nabatid kay Anicete na ang suspek ay isa lamang sa mga personalidad na kanilang  minamanmanan.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa  R.A 4136 (Driving  motorcycle without displayed plate number) at R.A. 9711 (FDA Foods, Drugs, Devices Cosmetics Act Possession of Cytotec) si Dela Cruz ay dinala sa tanggapan ni  Assistant City Prosecutor Ma. Salvacion Revilla.

Show comments