Pinay drinoga, hinalay ng 2 American national

MANILA, Philippines – Isang Pinay ang nag­­­­sampa ng reklamo kahapon sa Pasig City police matapos umano siyang sapilitang pa­inumin ng ecstasy at halayin ng dalawang American national na ang isa ay babae at isang lalaki sa isang condominium sa lungsod.

Ayon sa biktimang iti­nago sa pangalang Lorna, 38, graphic designer ng Antipolo City, noong nakaraang linggo pa nangyari ang panghahalay sa kanya pero kahapon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob para magreklamo sa pulisya.

Sa reklamo ni Lorna sa tanggapan ni P/Insp. Editha Reyes, hepe ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Pasig police, na ‘bi­naboy’ umano siya da­lawang suspek na ang lalaki ay nakilalang si Andrew Killbird alyas Numetra na pansaman­talang naninirahan sa Park Royale Bldg. 18th Floor, Room 1803 Jade Drive Ortigas Center, Brgy. San Antonio, ng nasabing lungsod. Ang  suspek na babae ay na­kilala lamang sa pangalang Jackilyn.

Sinabi ng biktima, naganap ang panghahalay sa kanya noong October 17, dakong alas-11:20 ng gabi sa mismong condominium ng mga suspek.

Aniya, sapilitan umano siyang pinainom ng “ecstasy” hanggang sa makaramdam ng sobrang init ng buong katawan at mistulang nawalan na siya ng kahihiyan at na­ging sunud-sunuran sa dalawa, doon na umano siya ginawan ng kababu­yan ng mga suspect.

Nakilala umano niya sa social media Filipino cupid.com noong October 1 ang mga dayuhan at mula noon ay naging mag-textmate sila hanggang sa mapagpasiyahan na magkita.

Show comments