Mister dinedo sa KTV bar

MANILA, Philippines – Napatay ang 35-anyos na mister makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng KTV bar sa Barangay Hoy Spirit sa Quezon City kamakalawa. Kinilala ni PO2 Julius Balbuena ang biktima na si Jack Serapin, may tattoo sa kaliwang dibdib, at sa magkabilang braso. Sa inisyal na pagsisiyasat ni Balbuena, naganap ang krimen sa Night Heron KTV and Disco Bar sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa San Simon Street sa nabanggit na barangay. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at isang granada sa bulsa ng pantalon ng biktima.

Show comments