Drug pusher itinumba

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 30-anyos na lalaki na sinasabing no­toryus na drug pusher matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa harapan ng commercial center sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ricardo Sordilla ng Salmon St., Caloocan. City. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagtungo ang biktima sa Gozon Commercial Center sa Barangay Tonsuya kung saan sinasabing magdadala ito ng shabu sa isang kliyente na pinangalanang alyas Lalay. Gayunpaman, habang hinihintay ng biktima ang kausap ay lumapit at pinutukan siya ng ilang ulit ng mga di-kilalang lalaki. Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang dalawang plastic ng sachet na shabu.

Show comments