Notoryus holdaper, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ang isa sa apat na miyembro ng notoryus na holdaper matapos inguso ng dalawa nitong kasabwat na naunang nadakip kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Jonathan De Guzman, 25, ng #2553 Decena Street sa nasabing lungsod.

Base sa police report na isinumite kay P/Chief Inspector Carilto Narag, hepe ng Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) kay P/Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City PNP, bandang alas-11:30 ng umaga nang maaresto ang suspek  sa kanilang bahay  sa nasabing lugar.

Sa tala ng pulisya, naunang naaresto noong Martes (Oct. 21) ang mga suspek na sina Jason Aguilar, 21; at Bryan James Pascua, 21, kapwa naninirahan sa Protacio Street, Pasay City.

Sa tactical interrogation ng pulisya sa mga nadakip na sina Aguilar at Pascua, inginuso nila si De Guzman na kasabwat sa holdapan at pagkakabangga sa isang taxi sa Park Avenue.  Lumilitaw na ang mga suspek ay miyembro ng no­toryus na holdaper na lulan ng motorsiklo at sangkot sa ilang serye ng holdapan sa area ng Pasay at Makati City.

Show comments