Kaso vs killer ng ina ni Cherry Pie aprub ng DOJ

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Justice ang pagsa­sampa ng kasong  robbery with homicide at qualified trespass laban kay Michael Flores na suspek sa pagpaslang noong Setyembre 19 kay Zenaida Sison na ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

May petsang Oktubre 10 ang resolusyon ng DOJ na isinulat ni Assistant State Prosecutor Ferdinand Fer­nandez at inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano.

Ang robbery with homicide ay para sa  pagnanakaw sa bahay ni Sison at pagpaslang dito habang ang isa pang kaso ay kaugnay sa pagtatago ni Flores sa bahay ng isang Lilibeth Lato sa Sta. Rosa, Laguna.

Binanggit ni Fernandez ang pagtatapat  ni Flores na pinatay nito si Sison nang magising ito habang pumapasok ang suspek sa kuwarto ng biktima. Nabatid na ang suspek ay nagtatrabaho sa matandang babae.

Show comments