MANILA, Philippines – Nanguna ang lungsod ng Valenzuela bilang “liveable cities” sa Metro Manila base sa “Liveable Cities Design Challenge (LCDC)” ng National Competitiveness Council Philippines at ng United States Agency for International Development (USAID).
Nabatid na tanging ang Valenzuela City lamang ang mga lungsod sa Metro Manila ang nakapasok sa Top 4 sa pamantayan ng LCDC sa pinal na pagkilala na ginanap sa PICC sa Pasay City noong Oktubre 15.
Bukod sa pangunguna sa Metro Manila, nakuha rin ng Valenzuela ang “second best” sa buong bansa sa likod ng Cagayan De Oro City na naging no. 1 overall, habang ikatlo ang Roxas City at Zamboanga City.