Trike driver itinumba

Ang driver na si Jufe Espraguera makaraang pagba­barilin habang nagpipinta ng kanyang pinapasadang tricycle. (Kuha ni Bernardo Batuigas)

MANILA, Philippines - Patay ang isang 45-anyos na lalaki nang barilin sa ulo ng hindi pa nakilalang mga salarin, habang nagpipintura ng kaniyang ipinapasadang tricycle sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jufe Espraguera, residente ng La Torre St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng La Torre at Masangkay Sts. Tondo.

Nais umano ng biktima na madaliin na ang pagpipintura kaya nilamay ito upang matapos.

Habang busy sa ginagawa ay lumapit umano ang dalawang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket at nakitang kausap ang biktima na tila may itinatanong hanggang sa bumunot ng baril ang isa at malapitang pinutukan sa ulo ang biktima.

Tumakas ang mga suspek matapos ang isinagawang krimen. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

Show comments