Habambuhay sa lider ng ‘Colangco robbery group’

MANILA, Philippines – Habambuhay na pagkakulong ang ibinabang hatol ng isang hukom ng Parañaque City Regional Trial Court  sa lider ng no­toryus na ‘Ampang Co­langco robbery group’.

Alas-3 kamakalawa ng hapon nang ibaba ni Judge Mary Grace Javier Ibay, ng Parañaque RTC Branch 194 ang habambuhay na pagkakulong kay Herbert Colangco, nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) sa kasong robbery.

Sinabi ni NBP Officer-in-Charge Supt. Celso Bravo na sa loob ng NBP Courtroom isinagawa ang hearing­ ng pagpapataw ng hatol kay Colangco.

Ang hatol ay base sa pamumuno ng akusado sa naganap na panloloob sa ilang sangay ng banko sa Metro Manila.

Dahil sa nakaditine sa maximum security compound  ang salarin kaya sa loob na ng NBP isinagawa ang pagdinig.

Show comments