Beybi itinapon sa estero

MANILA, Philippines – Isang bagong silang na sanggol na babae na hinihinalang namatay habang iniluluwal ng ina ang itinapon na lamang sa Estero de Kabulusan sa bahagi ng Old Torres St., Tondo, Maynila ang natagpuan kahapon.

Nakakabit pa ang pusod ng beybi nang matagpuan ng  mga  naglilinis na miyembro ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRHC) dakong alas-12:00 ng tanghali.

Nakasilid sa isang plastic bag ang patay na sanggol na agad ipinaalam sa Manila Police District-Station 1.

Ayon kay Barangay Kagawad Rosario Peña ng Brgy. 154,  unang inakala na basura lamang ang laman ng plastic bag.

Show comments