Diamond Jubilee celebration ng QC, umarangkada

Pinangunahan nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang selebrasyon  ng 75th Diamond Jubilee ng lungsod kahapon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.  Nasa larawan din si Speaker Feliciano Belmonte  na nakiisa rin sa pagdiriwang sa ginanap na opisyal na pagbubukas ng Food Festival sa Maginhawa St. na bahagi ng selebrasyon. Makikita sa kanan ang ginanap na ‘lechon boodle fight’  sa La Loma  na inorganisa ni QC 1st District Rep. Francisco  Calalay Jr. (Mga kuha nina Val Rodriguez at Joven Cagande)

MANILA, Philippines – Pinangunahan nina  Quezon City  Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang isinagawang iba’t ibang  bilang paunang selebrasyon sa pagdiriwang ng 75th Diamond Jubilee ng lungsod, kahapon.

Kabilang dito ang citywide medical mission, job fair, street party na ginanap sa iba’t ibang lugar  mula district 1 hanggang district 6.

Ang jobs fair ay isinagawa mula alas-10 ng umaga hangang alas-4 ng hapon sa Ali Mall Cubao, Fisher Mall Acti­vity Center, SM City Fairview, SM City North EDSA  Sky Dome, Benigno Aquino Elementary School  at St. Catherine College.

Bukod sa naturang mga pagdiriwang, mayroon ding city­wide street party sa iba’t ibang itinalagang lugar at food festival.

Ngayong araw na ito naman  ng Linggo ay magkakaroon ng misa ng bayan sa umaga  sa QC Memorial Circle,  gayun­din ng Parade Floats, Zumba class at Gawad Parangal sa bandang alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Show comments