Kelot tinaniman ng 5 bala sa ulo

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 36-anyos na lalaki makaraang taniman ng 5 bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng dalawang lalaki sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Kinilala ni SPO1 Christian Caparas ang biktimang si Ronito Alpabete, residente ng Purok 2,  Isla Puting Bato, Tondo.

Tanging ang detalye lamang na dalawang lalaki na armado ang nakuhang impormasyon na responsable sa pamamaril,  dahil mistulang takot umano ang mga residente na magsalita ukol sa nangyari.

Sa inisyal na ulat, bandang alas-11:45 ng tanghali  nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril sa lugar ng biktima.

Kaswal na naglakad lamang umano papalayo ang mga salarin.

Gayunman, hinalang droga ang isa sa motibong binubusisi ng mga awtoridad, dahil na rin  sa umano’y pahayag ng kinakasama ng biktima na si Lydia Paloma , na wala umano siyang alam na may kaaway ang ka-live-in.

Nasa 16 na taon na umanong nagsasama ang biktima at live-in partner na may 4 silang anak sa na­sabing lugar.

Wala ring nakuhang impormasyon sa live-in partner ng biktima hinggil sa po­sibleng dahilan o motibo sa pamamaslang.

 

Show comments