Habambuhay sa 3 drug dealer

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkakulong ang naging hatol ng korte laban sa  tatlong drug dealers sa Makati City, kamakalawa.

Sa naging desisyon ni Judge Gina M. Bibat, ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 64, hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang mga akusadong nakilalang sina   Francis Halipa;  Rogelio Alvarado at  Arnel Ambrosio. 

Base sa rekord, na­dakip ang mga akusado sa magkakahiwalay na buy-bust ope­ration na isinagawa noong Enero 21 at Nobyembre 26, 2012 at Hunyo 18, 2013 sa Brgy. Gua­dalupe Viejo, Brgy. Rizal at Brgy.Tejeros ng naturang siyudad ng mga kagawad ng MADAC.

Guilty ang naging hatol sa tatlo base sa mga ebidensiyang isinumite ng mga pulis laban sa mga ito. (Lordeth Bonilla)

 

Show comments