Pekeng traffic enforcer, inaresto nang sinitang motorista

MANILA, Philippines - Isang 52-anyos na dating miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau  (MTPB)  ang dinakip ng kanyang nasitang motorista dahil nabuko na nagpapanggap lamang itong traffic enforcer sa Paco, Maynila, kahapon ng hapon.

Inihahanda na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAS) ang kasong Usurpation of Authority  laban sa suspek na kinilalang si Emiliano Pole ng Linao St., .Paco,  Maynila sa reklamong inihain ni Demetrio Tupas, 45, aktibong tauhan ng MTPB.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang arestuhin ang biktima sa Linao St., Paco,  Maynila.

Ayon kay Tupas, itinawag sa kanilang opisina ng retiradong pulis na nagpakilalang si  ‘SPO2  Bautista’, dating nakatalaga sa MPD, ang paninita ng suspek.

Naisipan ni Bautista na tanungin kung saan ito konektadong traffic enforcement unit at nagsabing siya ay MTPB subalit walang ID, hindi naka­uniporme bagkus ay nakasuot lang ng itim na jacket.

 Ginawa umano ng retiradong pulis ay pinasakay ang suspek sa kaniyang kotse at dinala sa MTPB chief na si Chief Inspector Olivia Sagaysay kung saan nakumpirmang hindi ito miyembro ng MTPB.

 

Show comments