Matandang binata, nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa mabahong amoy ang nagtulak sa mga kapitbahay ng isang tricycle driver na puwersahang buksan ang inuupahan nitong kuwarto kung saan nadiskubreng nakabitin ang bangkay nito sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng hapon

Kinilala  ang nasawi na si Christopher Tayor, 42, binata, tricycle driver at residente ng San Andres Ext., Sta. Ana, Manila. Sa ulat ni  PO2 Christian Caparas, ng  Manila Police District-Homicide Section, dakong  ala-1:00 ng hapon nang madiskubre ni Federico Cuayzon, isang barangay kagawad sa Brgy. 780,  Zone 85 ang nakabiting biktima sa kisame ng inookupahan nitong silid  sa  ikalawang palapag ng bahay.

Sa imbestigasyon, may tatlong araw nang  hindi buma­baba si Tayor na dati ay halos araw-araw kung pumasada ng tricycle.

Hindi na umano masikmura ng mga residente ang nanga­ ngamoy na inakalang patay na daga kaya naging desidido silang hanapin ang pinagmulan ng amoy na mula nga sa kuwarto ng biktima.

 

Show comments