Electrician dinedo ng tandem

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 34-anyos na electrician makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng Gawad Kalinga Street sa Barangay Baesa, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Louie Serbito ang biktima na si Gilbert Casile ng F. Carlos Street sa nasabing barangay.

Ayon kay Eduardo Lacuesta, purok leader ng ba­rangay, iniwan niya ang biktima na nanonood sa naglalaro ng mahjong nang lapitan at ratratin ng tandem.

Lumikha ng tensyon ang mga putok ng baril kung saan nagpumalasan ang mga nagmamahjong at nanonood.

Duguang bumulagata ang biktima habang tumakas naman ang dalawang ’di-kilalang lalaki na lulan ng motor­bike.

Show comments