Australian nahulog sa Pasay hotel, patay

MANILA, Philippines — Isang 65-taong-gulang na Australian national ang namatay matapos mahulog mula sa kataas-taasang palapag ng isang hotel sa Pasay kagabi.

Ayon sa isang ulat sa radyo, si Robert Andrews, na taga Melbourne, ay huling namataan ng ibang panauhin sa Atrium Hotel na naglalakad nang nakayapak bago ang insidente.

Kasalakuyang inaaalam ng pulisya kung si Andrews ay aksidenteng nahulog o tumalon sa pagtangkang magpakamatay.

Sa kanyang pagkahulog ay sinuyod pa ni Andrews ang mga kawad ng kuryente sa hotel, dahilan upang pansamantalang mawala ang kuryente sa gusali.

Show comments