9 Yolanda survivors nasagip mula sa prostitusyon

MANILA, Philippines - Apat na menor de edad at lima pang kababaihan ang nailigtas mula sa isang prostitution den sa lungsod ng Caloocan kagabi.

Nilusob ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang mga barung-barong sa 2nd avenue kung saan naka tambay ang mga biktima habang nag-aantay ng mga parokyano.

Limang bugaw naman ang naaresto sa naturang raid.

Pawang mula Samar ang mga nailigtas na biktima na mga survivor ng bagyong Yolanda na nanalasa nitong nakaraang taon.

Show comments