Delivery boy utas sa karambola ng 6 sasakyan sa QC

MANILA, Philippines – Pabalik na sana ang isang delivery boy galing sa pinaghatiran ng pagkain nang masagasaan ng isang 10-wheeler truck sa lungsod ng Quezon ngayong Huwebes.

Ayon sa ulat ng dzMM, nawalan ng preno ang trak na kargado ng buhangin dahilan upang masagasaan at mapailalim sa trak ang biktimang si Archie Gaerlan na sakay ng kanyang motorsiklo sa panulukan ng Congressional at Mindanao Avenue kaninang madaling araw.

Dead-on-the-spot si Gaerlan, dagdag ng ulat.

Patungo sana'ng lungsod ng Taguig ang truck na minamaneho ni Jay Atencio na galing sa Porac, Pampanga nang maganap ang aksidente.

Apat pang sasakyan ang natamaan ng trak.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Atencio.

Show comments