Tren ng PNR nadiskaril

Larawan mula sa Facebook page ng Philippine National Railways.

MANILA, Philippines – Naantala ang operasyon ng Philippine National Railways matapos madiskaril ang isang tren sa Maynila ngayong Lunes.

Ayon sa ulat ng dzMM, nabaklas ang huling bahagi ng train 888 habang nasa northbound ng Ramon Magsaysay Boulevard papalapit sa Altura station kaninang umaga.

Wala namang naitalang nasaktan mula sa insidente.

Inaalam na ng pamunuan ng PNR ang sanhi ng pagkakadiskaril ng tren.

Nitong Agosto 18 lamang ay tumirik din ang isang tren ng PNR.

Show comments