13-anyos nene ni-rape ng teacher

MANILA, Philippines - Arestado ang 47-anyos na teacher matapos ireklamo ng 13-anyos na mag-aaral ng kasong panghahalay sa Pasay City.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Joel Canete, may-asawa, ng Khai Compound, Zone 20, Barangay 201 sa nasabing lungsod, at guro ng MAPE sa Kalayaan Elementary School.

Sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Nicole sa Wo­men and Children’s Protection Desk, Pasay City PNP, unang naganap ang  panghahalay noong Huwebes ng hapon (Agosto 14) sa loob ng bahay ng suspek.

Nabatid na naglalakad ang biktima nang hilahin ng suspek sa loob ng bahay nito saka pinainom muna ng tubig na nilagyan ng gamot.

Ilang minuto ang nakalipas ay nawalan ng malay ang biktima kung saan pagkagising ng dalagita ay hubo’t hubad na umano ito at nakapatong sa kanyang ibabaw ang suspek.

Natakot ang biktima na magsumbong sa kanyang mga magulang dahil pinagbabantaan ng suspek ang kanyang buhay.

Gayon pa man, muling naulit ang panghahalay noong Biyernes ng umaga (Agosto 15). Dahil dito ay nagsumbong na ang biktima sa kanyang mga magulang at nagresulta nang pagkakadakip sa suspek.

Sinampahan na ng kasong rape at child abuse si Canete sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Show comments