1 sugatan sa LPG explosion

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na delivery boy ang nasugatan makaraang sumabog ang LPG tank sa loob ng isang tindahan sa San Antonio sa Parañaque City.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang pagsabog sa LPG outlet na pag-aari ni Teresa Gonzales na nagsanhi rin ng may 30 minutong sunog sa may pitong stall sa lugar.

Kinilala lamang na isang CJ Nain ang na­sugatang delivery boy. Inaalam pa ang sanhi ng pagsabog.

Show comments