Bebot itinumba sa mismong bahay

MANILA, Philippines - Dead on arrival sa pa­gamutan ang isang babae matapos na pagbaba­rilin ng hindi naki­kilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinila­lang si Jenny Ontalan, ng Nia Road, Brgy. Pinyahan sa lungsod.

Ayon kay PO3 Rhic Pittong, nangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima, ganap na alas-7:30 ng gabi.

Ayon kay Rey Garcia, live-in partner ng biktima, matutulog na sana sila ng gabing iyon nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang hindi nakikilalang suspek at pinagbabaril si Ontalan.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspect. Patuloy ang imbes­tigasyon ng otoridad sa nasabing insidente. 

Show comments