Komedyante, nagtangkang tumalon mula 6th floor ng hotel

MANILA, Philippines - Nagtangkang tumalon mula sa ika-6 na palapag ng isang hotel sa Quezon City ang komedyanteng si Jobert Austria na mas kilala bilang Kuya Jobert.

Nabatid na napigilan lamang ng mga bumbero ang komedyante sa pagtalon.

“Kanina nandun na siya sa edge ng building e, talagang tali lang ang kinakapitan niya, konting galaw na lang hulog siya. Ang maganda nito, ’yung mga bumbero, sila rin ’yung humila kay Jobert, halos anim na katao ang nagtulung-tulong para mahila siya papasok sa loob. Hinila talaga namin, binalik namin sa kwarto,” kwento ni Eric Nicolas, isa ring komedyante ng ABS-CBN Channel 2.

Sinasabing rumesponde rin sa insidente  si Badjie Mortiz, anak ng direktor na si Bobot Mortiz at kasamahan ni Austria sa gag show na “Banana Nite.”

Hinala naman ng mga ka­ibigan ni Austria na ang pangyayari ay resulta lamang ng pagka depressed  ng biktima dahil sa problema sa kanyang girlfriend na babalik na ng Canada. 

Makaraan namang ma­ibalik sa kuwarto nito ay na­kalma na ang sitwasyon sa na­turang hotel.

Show comments