Estibador binaril sa pagitan ng 2 mata

Bulagta ang estibador na si Christopher Barro makaraang barilin sa pagitan ng kanyang dalawang mata ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. (Kuha ni Bernardo Batuigas)

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 29-anyos na estibador  nang barilin nang malapitan sa pagitan ng kanyang dalawang mata  na tumagos sa likod ng ulo, habang naglalakad patungo sa tindahan sa Vitas, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Christopher Barro, alyas Dugo, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) at residente ng Maynilad Compound, Tondo.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang lumabas umano ng bahay ang biktima para bumili ng soft drinks at lapitan ng hindi nakikilalang suspect at barilin sa noo. 

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang ang bangkay ay inilagak na sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya.

 

Show comments