1 patay sa karambola ng 14-wheeler truck at 8 iba pa sa C5

MANILA, Philippines – Nawalan ng kontrol ang isang 14-wheeler truck dahilan upang maararo ang walong iba pang sasakyan sa southbound lane ng C5 road na sakop ng lungsod ng Taguig ngayong Lunes.

Ayon sa mga ulat, tumakas ang tsuper at pahinante ng naturang truck na may karga ng buhangin matapos ang insidente na ikinasawi ng isang lalaking nakilala lamang sa pangalang “Eboy.”

Paahon ang 14-wheeler truck (UNE 539) at nang mawalan ito ng kontrol ay naatrasan nito ang dalawa pang trak, tatlong taxi, at tatlong pribadong sasakyan bandang alas-6 ng umaga.

Base sa salaysay ng mga saksi, nasunog pa ang isang trak na may kargang glass panels matapos araruhin.

Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko ang insidente.

Show comments