Bebot kinatay sa apartelle

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang apartelle sa Balintawak, Quezon City, kahapon ng umaga.

Inilarawan ng pulisya na tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, mahaba ang buhok, kayumanggi ang kulay at walang saplot nang matagpuan.

Samantala, ang suspek ay sinasabing may  40 hanggang 45-anyos ay tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay SPO1 Edwin dela Cruz, naganap ang insidente sa loob ng room 104 Balintawak Exit Apartelle EDSA, Brgy. Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City dakong alas-7:00 ng umaga.

Sinasabing  nag-check-in ang biktima  at ang hindi naki­kilalang lalaki dakong alas-7:00 ng gabi kama­kalawa.

Alas-2:30 ng madaling- araw kahapon, nakita ng staff ng motel na si May Jean Nicolas na nagmamada­ling umalis ng kuwarto ang ka­samang lalaki ng biktima. 

Alas-7:00 ng umaga kahapon tinangkang katukin ng attendant ng apartelle na si Jonard Salagan ang pintuan ng kuwarto ng biktima at makalipas ang ilang minuto ng pagkatok at walang sumasagot kung kaya sapilitan nang binuksan ang pinto ng key duplicate at dito na natagpuan ang naka-hubo’t hubad na bangkay ng biktima na wala nang buhay na may marka ng sakal sa leeg.

Tinangay din ng suspek ang mga mahahalagang gamit ng biktima.

 

Show comments