Shootout: Tandem dedo

MANILA, Philippines - Patay ang 2 holdaper na tandem ma­tapos na makipagbarilan sa mga elemento ng pulisya sa Brgy. Sauyo sa lungsod Quezon.

Ayon kay Supt. Crisostomo Mendoza, commander ng Station 4 ng QCPD, naganap ang insidente pasado alas-9 ng Biyernes ng gabi.

Bagamat wala pang pagkakakilanlan sa mga napaslang na suspek, sinasabing isa sa mga ito ay miyembro ng ‘Sputnik gang’ dahil  sa mga nakitang tattoo  sa katawan.

Sinabi ni Mendoza na galing ang mga suspek sa panghoholdap sa isang grocery store pero agad na naitawag sa mga pulis ang insidente kaya’t mabilis na nakaresponde sa nabanggit na lugar.

Umaabot umano sa P5,000 ang nalimas ng mga suspek mula sa hinoldap na grocery store. Sinasabing nang rumesponde ang mga pulis sa nabanggit na lugar ay nakatakbo pa ang mga suspek sa isang subdivision at doon  naka- engkuwentro ng  pulisya  na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

 

Show comments