Natalo sa suntukan, nanaksak na lang

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ang isang lalaki na matapos matalo sa suntukan ay sinaksak na lamang ng basag na bote ang kanyang nakaalitan  sa Tondo­, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center (JRMMC) ang bik­­ti­mang si Rolly Salabag, ng Raxa­bago St. Tondo, Maynila.

Isang alyas Crispin ang sinasabing nakatalo ng biktima. Nabatid na naghamon ng sutukan si Crispin at nang matalo ay dumampot ng basag na bote saka isinaksak sa biktima.

Sa ulat ng Manila Police District-Police Station 2, ang insidente ay nangyari dakong alas-6:30 ng gabi sa panulukan ng Bambang at Masangkay Sts. Tondo. Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang pana­naksak.

Show comments