Tondo High dinalaw ng NBA star

MANILA, Philippines - Karangalan para kay Manila Vice Mayor Isko Moreno ang  pagdalaw ng dating  NBA All Star  na Stephon Marbury sa Tondo National High School. Nagdaos ng basketball clinic kasama ang ilang mga PBA stars at namigay din ng sapatos sa mga estudyante ng nasabing high school.

Si Moreno ang namahala ng nasabing programa kung saan tumulong at lumahok din si Senador Sonny Angara at mga PBA stars na sina Willie Miller, JayR Reyes, Dorian Peña, Mark Macapagal at dating PBA Coach Bong Ramos.

Ayon kay Moreno, ang kanyang pagsuporta sa basketball ay pagsuporta sa mga magulang na nais na mapalaki ng maayos at mabuting tao ang kanilang mga anak. Ito rin ang  paraan upang ang mga kabataan ay mahilig sa larong basketball at maiiwas sa anumang  masamang bisyo.

Inaasahang mabibigyan din ng mga sapatos at jersey ang  iba pang  basketball enthusiast ng mga public school. Si Moreno ay produkto nang Tondo National High School.

Show comments