MANILA, Philippines - May 140 kabahayan ang naabo sanhi upang mawalan ng tirahan ang may 250 pamilya sa sunog sa Parola, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling- araw.
Sa ulat ni Fire Officer 2 Edilberto Cruz ng Manila Fire Bureau-Arson Division, dakong ala-1:31 ng madaling-araw nitong Sabado nang magsimula ang apoy at mabilis na kumalat sa magkakatabing kabahayan na pawang yari sa light materials.
Nahirapang pasukin ng mga trak ng bumbero ang lugar dahil sa bukod sa masikip ang kalye ay marami ring nakahambalang sa daan.
Umakyat sa ika-limang alarma ang sunog bago naideklarang fire-out ito.
Walang naiulat na nasawi habang tinataya pa ng mga fire investigator ang kabuuang pinsala sa sunog.